23 bagong kaso, 31 nakarekober at 1 kaso ng pagkasawi nasawi dahil sa COVID-19 naitala sa Camarines Norte ng DOH Bicol kahapon

CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 1,419 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte sa ibinigay na ulat ng DOH Bicol Kahapon

23 panibagong kaso ang naitala kung saan ang mga ito ay nagmula sa 6 na bayan ng Camarines Norte, tig-7 kaso ang naitala sa bayan ng Daet at Labo, may tig -3 kaso naman mula sa bayan ng Sta. Elena at Talisay, 2 kaso ang mula sa San Lorenzo Ruiz habang 1 kaso ang naitala sa bayan ng Capalonga 

Dahilan ito upang magkaroon ng 237 na aktibong kaso ang lalawigan

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Sa kabila ng naiulat na mga panibagong kaso, nakapagtala rin ng 31 mga pasyente na gumaling sa sakit dahilan upang umakyat na sa 1,108 ang bilang ng mga nakarekober

Habang nadagdagan ng 1 kaso ang nawalan ng buhay kung kaya’t mayroon ng 74 na naitalang pagkasawi

Dahil sa mga naitatalang kaso at pagdagdag ng bilang ng mga naapektuhang residente ng naturang sakit, tinututukan ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ang paghihigpit sa border checkpoint sa kabila ng pagkontra dito ng ilang mga tanggapan partikular na ng DILG may kaugnayan sa pagpapatupad ng antigen test sa lahat ng mga papasok ng Camarines Norte maging ito man ay APOR o Hindi

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon kay Governor Edgardo Tallado, lahat umano ay pwedeng kapitan ng COVID-19 lalo na at kailangang mas pagibayuhin ang pag-i-ingat dahil sa banta ng mapanganib na Delta Variant

Kaya’t sa kabila ng pagkontra ng DILG sa ipinapatupad na polisiya malinaw na sinabi ng Gobernador na walang exemption sa antigen test sa mga border checkpoint maging ikaw man ay APOR o kawani ng National Government