18 mula sa 41 na mga nabakunahan laban sa African Swine Fever (ASF) ang nagpakita ng antibodies.
Ibig-sabihin – nag-react na ang bakuna sa katawan ang nagpo-produce na ng panlaban sa ASF.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary for Swine and Poultry Constante Palabrica, lumabas sa resulta ng blood sampling na may 40% antibodies na ang 18 na naturukan ng bakuna.
Dahil dito – parang nakikita na raw nila itong positibong development para sa problema sa ASF.
Dagdag pa niya, nananatiling preliminary pa rin ito, at inaasahan na ang mga nabakunahan ay mag-develop ng 90% antibodies sa susunod na 14 araw.
Kaugnay nito, tiniyak ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel, Jr. na patuloy ang pamahalaan sa paghahanap ng pangmatagalang solusyon sa naturang sakit ng baboy.
Samantala, target naman ng DA na makakuha at mailunsad ang 150,000 doses ng AVAC vaccines sa mga red zones sa ilang parte ng bansa ngayong darating na Oktubre.