Umano’y ‘Angels of Death’ ni Quiboloy, wala sa record ng PNP-FEO

Natanggap na ng Firearms and Explosives Office ng Philippine National Police ang listahan ng mga indibidwal na iniuugnay sa umano’y “Angels of Death” ni Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP-Civil Security Group spokesperson Police Lt. Col Eudisan Gultiano, galing ang request na mag-imbestiga mula sa Davao City Police Office.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Hindi idinetalye ni Gultiano kung ilan ang mga indibidwal na kanilang iniimbestigahan pero kanyang sinabi na may initial na result na sila ng imbestigasyon.

Ilan sa mga pangalan na kanilang hawak ay kumpirmadong may linsensya ng baril habang ang iba naman ay walang record sa FEO.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Samantala, hindi naman kinumpirma ni Gultiano kung pulis at retiradong pulis ang ilan sa kanilang iniimbestigahan at kung sila ba ay galing ng davao.