Paul Gutierrez, nag-good bye na sa PTFoMS

Pinasalamatan ni Paul Gutierrez si Pangulong Bongbong Marcos sa ibinigay sa kanyang oportunidad na magsilbi bilang Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security, kasunod ng kanyang kumpirmasyon na paso na ang kanyang termino.

Maaalalang sa pamamagitan ng isang liham, ipinabatid ni Executive Secretary Lucas Bersamin kay Secretary Remulla na expired na ang tenure ni Gutierrez at epektibo ito sa lalong madaling panahon.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Sa statement na inilabas ni Gutierrez ngayong araw, iniisa isa nito ang kanyang accomplishments sa panahon ng kanyang panunungkulan simula noong May 2023, at pinasalamatan din ang mga nakasama nito sa trabaho.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Kung matatandaan binanggit ng dating Customs Intelligence Officer na si Jimmy Guban ang pangalan ni Paul Gutierrez sa pag dinig ng quad committee, na di umano’y kumausap sa kanya para manahimik kaugnay sa isyu ng bilyong halaga ng shabu sa magnetic lifter.