12 overloaded trucks at 30 motorista, nahuling lumabag sa batas-trapiko sa lunsod ng Ligao

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang 39 na mga tauhan mula sa LTO Bicol, DPWH Bicol, Albay PPO, APSEMO, Provincial Engineers Office, at Environment and Natural Resources Office (ENRO) ng Anti-Truck Overloading Mobile Enforcement (ATOME) operation para subaybayan ang mga trak at trailers at hulihin ang mga lumalabag sa Republic Act 8794 o Anti-Overloading Act of 2000″.

Ayon sa LTO Bicol, nagresulta ito sa pagtimbang ng 92 trucks kung saan 80 sa mga ito ay pasok sa pinapayagang weight limit habang ang 12 ay napag-alamang overloaded.

Maliban pa rito, 30 motorista rin ang na-flag down at nahuli dahil sa iba’t ibang paglabag sa RA 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.

Kasama ng pamahalaang panlalawigan ng Albay at iba pang ahensyang nagpapatupad ng batas, ang LTO Bicol ay gumagawa tungo sa layuning maalis ang mga overloaded na sasakyan upang maging ligtas ang paggamit ng kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *