Lalo pang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region sa nakalipas na pitong araw.
Sa report ni OCTA Research fellow Dr.. Guido David, sumampa pa sa 11.1% ang pagtaas ng kaso sa NCR habang naitala din ang pagtaas ng mga kaso sa ilang lugar sa Luzon.
Kabilang sa mga tumaas ang positivity rate sa Luzon ang Batangas, Benguet, Bulacan, Isabela, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Kalinga at Pangasinan.
Sa kabila nito, labindalawang (12) lugar naman sa Luzon ang bumaba ang positivity rate sa kaparehong panahon kabilang ang Albay, Bataan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon, Rizal, Tarlac at Zambales
Matatandaan na kinumpirma ng Department of Health na na-detect ang 14 na kaso ng Omicron BQ.1 sublineage na posibleng magdulot ng lalong pagtaas ng COVID-19 cases at ng positivity rate sa bansa
#
