10 PCG training personnel, sinibak sa pwesto dahil paniningil sa mga bagong recruit

Sinibak ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sampung tauhan nito sa regional training center dahil sa umano’y paniningil ng hindi awtorisadong bayad sa mga bagong recruit.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo ang iba pang kawani ng regional training center ay inilipat sa ibang units.

Sinabi rin ni Balilo na kinausap na ng PCG ang mga biktima na nagrereklamo kaugnay sa hindi awtorisadong paniningil na umabot sa P150,000.

Binaggit din ni Balilo na may naka-post sa online na hinihingan ng kontribusyon at pinagbabayad ng “extra uniforms” na overpriced ang mga bagong recruit.

Agad na ni-relieve ang lahat ng tauhan ng regional training center nang malaman ang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *