Ombudsman, hiniling sa Senado at Kamara nagawing P1-M na lang ang CIF ng ahensya sa halip na P51-M

Hiniling ni Ombudsman Samuel Martires sa Senado at Kamara na bawasan at gawing P1 milyon na lang ang P51 milyon na Confidential at Intelligence fund ng kanyang opisina.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ginawa ni Martires ang kahilingan sa pamamagitan ng magkahiwalay na liham na ipinadala sa Senado at Kamara.

Binigyan ng mga kopya ng liham sina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Matatandaan nauna nang sinabi ni Martires na kung makakasira lamang ito sa reputasyon at integridad ng kanyang opisina, mas mabuti na wala siyang confidential funds sa ilaim ng kanyang termino.