𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬, 𝗛𝗨𝗪𝗔𝗚 𝗧𝗔𝗟𝗜𝗞𝗨𝗥𝗔𝗡 – 𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗚𝗢𝗩. 𝗕𝗢𝗝𝗜𝗘 𝗗𝗬

“𝗬𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹𝘀, 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝘁𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘁𝗮𝗹𝗶𝗸𝘂𝗿𝗮𝗻, 𝗹𝗮𝗹𝗼𝗻𝗴-𝗹𝗮𝗹𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝗴𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻.”

Ito ang ipinunto ni Isabela Vice Governor Bojie Dy III sa katatapos na oath taking ceremony ng mga nanalong Barangay at Sangguniang Kabataan Officials sa Lunsod ng Cauayan ngayong araw.

Aniya, ang mga opisyal ng barangay ay dapat laging available at accessible sa pagtugon ng pangangailan ng kanilang mga kabarangayan upang mapagkatiwalaan ang mga ito.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Pangalawa sa paki-usap ng opisyal ay ang pagbuo ng Lupong taga-pamayapa sa barangay upang maging patas ang pagdinig sa mga problema ng mga residente at mabigyan ito ng agarang solusyon.

Ito aniya ang dahilan kaya’t walang limitasyon ang i-aappoint na miyembro ng Lupon dahil ang mga ito ang mamamagitan sa mga problema ng mga residente.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Pangunahing pagtuunan aniya ng pansin ang katahimikan at kaayusan sa barangay upang patuloy ang pag-unlad nito.

Panghuli ay ipinunto ng bise gobernador na isantabi na ang mga nangyaring alitan sa mga nakalaban o nakasama noong nakaraang halalan at magkaisa sa pagseserbisyo sa barangay upang magamit ng tama ang kanilang pondo.