Gumawa ng kasaysayan si Zendaya sa 2022 Emmy Awards, matapos maging pinakabatang two-time winner ng Lead Actress sa Drama Series para sa kanyang “Euphoria.”
Ang 26 taong gulay, ay gumanap bilang Rue sa teen drama, na isang teenage drug addict na kalalabas lang mula sa rehab at hirap na hanapin ang kanyang lugar sa mundo.
Kaugnay nito, labis ang pasasalamat ni Zendaya, lalo na sa TV Academy, sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
Una nang gumawa ng kasaysayan ang aktres noong 2020 bilang pinakabatang nanalo sa kaparehong kategorya.
Si Zendaya ay nagsisilbi ring executive producer simula sa season 2, at dahil sa pagkakanomina ng naturang show bilang Outstanding Drama Series, siya rin ang pinakabatang babae na nanomina para sa pag-produce.
Nominated din ito sa Outstanding Original Music and Lyrics para sa kanyang series soundtrack.
