Gerald Anderson, hintayin nalang ang 9 months re: umano’y nabuntis si Kylie Padila

Pinaabangan nalang ni Gerald Anderson ang siyam na buwan, matapos lumabas ang mga balitang nabuntis umano nito si Kylie Padilla.

Una nang itinanggi ni Padilla, na may namamagitan sa kanila ni Anderson.

Nilinaw din ng aktres na hindi siya buntis.

Giit ni Kylie, na siya at si Anderson ay mayroon lang professional relationship.

Si Gerald ay nobyo ng aktres na si Julia Barreto, na kamakailan ay nagbonding sila kasama ang pamilya ng aktres, sa gitna ng mga espekulasyon na hiwalayan.