Lumalabas sa survey na isinagawa ng independent research group na OCTA, na karamihan umano sa mga Pilipins ay mas gusto parin na magsuot ng facemasks sa publiko, para maprotektahan sila laban sa COVID-19.

Ang resulta ng survey na isinagawa mula April 22 hanggang 25, 2022, ay iprenesenta sa isang forum, matapos maglabas si President Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order No. 3, kung saan optional na ang pagsusuot ng face mask sa outdoor settings.
Ayon kay OCTA president Ranjit Rye, na ipinapakita sa naturang survey, na bahagi umano ng mga dahilan kung bakit kaunti lang ang reaksyon mula sa mga tao laban sa bagong polisiya ng pangulo, ay dahil 30 percent ng adult population ay patuloy parin na nagsusuot ng masks, anim na buwan matapos na ideklara ang COVID-19 bilang kontrolado.
Kaugnay nito, 28% naman ay patuloy na magsusuot ng masks hanggang sa isang taon matapos maideklara ang Covid-19 na under control.
Binigyang diin ni Rye, na napatunayan sa survey na mayroong consensus sa mga adult Filipinos na ang pagsusuot ng face mask ay mahalaga, at hindi na umano kailangan na hikayatin pa sila na magcomply nito.