Weekend lockdown sa Legazpi City posibleng ipatupad dahil sa pagtaas ng Covid-19 cases

LEGAZPI CITY – Naaalarma na ang Alkalde ng Legazpi dahil sa patuloy pa rin ang pagdami ng nagpopositibo sa Corona Virus Disease (COVID) 19.

Ito ang sinabi ni Mayor Noel Rosal sa Brigada News FM Legazpi matapos maepost nito sa kanyang facebook account.

Ayon kay Rosal, oras na magtuloy-tuloy ang pagtaas ng kaso na nagpopositibo sa covid 19 mapipilitan itong magpatupad ng granular lockdown sa lungsod tuwing weekends o sabado at linggo.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kung titingnan umano nitong mga nakaraang linggo ay lampas sa sampu ang nagpopositibo sa nasabing virus.

Aniya, bago man isagawa ang granular lockdown ay dadaan muna ito sa pag-aaralng Bicol Inter Agency Task Force (BIATF) bago aprobahan at ipatupad sa lungsod.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Wala pa naman nagdedeklara sa mga barangay na granular lokdown dahil sa kontrolado pa ng mga ito.

Pakiusap ng opisyal, kailangan ngayon ang disiplina sa sarili, ugaliin ang pagsusuot ng facemask at iwasan na muna ang mga matataong lugar upang hindi na mapabilang sa nagpopositibo sa covid 19.