Cebu City— “Till death, do us bark” Tila iyan ang sumpaan ng dalawang pug na sina Milo at Lily mula sa Cebu City.
Matapos kase ang mahaba-haba ring panahon na kanilang pagsasama, nagpasya ang kanilang mga fur parents na ipakasal silang dalawa.
Ayon sa fur parent ni Lily na si Giecile Marcillana, nagka kilala ang dalawang aso matapos siyang maghanap ng pwedeng mag ‘stud’ kay Lily.
Inirekomenda ng kanyang kanyang kaibigan ang alagang pug ni Mary Ann Cordova na siya namang fur parent ni Milo.
Kagaya ng mga tao,tila na “love at first sight” daw si Milo kay Lily kaya naman nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng apat na puppies.
Ngunit, kagaya ng ibang relasyon, sinubok din ang dalawang aso ng panahon matapos na hindi maka survive at pumanaw ang dalawa sa apat na anak nina Milo at Lily.
Matapos ang insidente, tila tumamlay umano ang mga aso kung kaya’t nag desisyon ang kanilang mga fur parents na ipakasal sila.
Mula sa veil ni Lily at bow tie ni Milo, hanggang sa reception ng kasal, lahat pinaghandaan at nilaaanan ng oras ng kanilang fur parents.
Ayon sa mga ito, hindi na lang alaga para sakanila si Lily at Milo kundi bahagi na ng kanilang pamilya at parte na ng kanilang buhay.### JUMEL DELA ROSA