Weather, human error, overcapacity, tinitingnang anggulo sa C130 crash

Hindi ikinokonsidera ng Armed Forces of the Philippines na posibleng nagkaroon ng foul play sa bumagsak na C130 kung saan patay ang 50 sundalo, kabilang na ang tatlong sibilyan sa Patikul, Sulu noong Linggo.

Ayon kay AFP Spokesperson Major Gen. Edgard Arevalo, malabo na inatake ang Philippine Air Force C-130, na may lulang 90 pasahero bago bumagsak sa Barangay Bangkal.

Read More:  CHED open to suggestions on proposed Reframed General Education curriculum

Sinabi naman ni Arevalo na bago ang insidente, ang naturang aircraft ay mayroon pang 11,000 hours na flying time bago sumailalim sa susunod na maintenance.

Read More:  Tulfo brothers rule out 2028 presidential run

Binigyang diin rin nito ang airworthiness ng plane, na pinapalipad ng mga “seasoned” at “rated” pilots.

Dagdag ng opisyal, tinitingnan nila ang iba pang posibleng anggulo gaya ng kondisyon ng panahon, human error, at overcapacity. // MHEL PACIA-TRINIDAD