BIR, nakakolekta ng halos P1B mula sa mga firms na may Tax Code violation

Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue na halos P1-billion ang kanilang nakolektang buwis mula sa mga commercial establishments na lumabag sa ilang probisyon ng Tax Code sa unang limang buwan ng 2021.

Ayon sa BIR, na nakakolekta sila ng P995.04 million na buwis, matapos na karamihan sa naturang firms ay nagbayad ng kanilang tax assessment deficiencies.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Ang mga establisyemento na niresolba ang kanilang tax problems ay pinayagan ng BIR na mag-resume ng operasyon.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Una nang ipinag-utos ng BIR ang pagpapasara sa halos 207 commercial establishments na lumabag sa ilang probisyon ng Tax Code mula January-May 2021.

Noong Mayo lang nitong taon, naipasara ng BIR ang 36 establisyemento at nakalikom sila ng P37.3 million na buwis. // MHEL PACIA-TRINIDAD