5,392 new COVID-19 cases; Active tally, higit 51K

Nagtala ang Pilipinas ng 5,392 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para lomobo ang total tally sa 1,441,746.

Hindi kasama sa bilang ang resulta mula sa 10 laboratoryo na bigong magsumite ng kanilang datos.

Ayon sa Department of Health, dahil sa mga bagong kaso naitala ang total active cases sa bansa sa 51,594, kung saan 91.1% dito ang mild, 3.8% ang asymptomatic, 2.1% ang severe, at 1.5% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, ang total recoveries naman ay tumaas ng 1,364,960, matapos na gumaling ang 6,477 pang pasyente mula sa viral disease, habang ang death roll ay umakyat sa 25,192 dahil sa 43 na mga bagong fatalities. // MHEL PACIA-TRINIDAD