Water system project sa kilometro16 sa barangay Banquerohan, Legazpi City target tapusin sa loob ng dalawang buwan

 LEGAZPI CITY – Target tapusin ang Water System Project sa Kilometro 16 Barangay Banquerohan lungsod ng Legazpi sa loob lamang ng dalawang buwan.

 Ito ang inihayag ni Engineer Clemente Ibo Jr, ang Head ng City Engineering Office ng City Local Government Unit ng Lungsod sa ginawang Grownbreaking Ceremony sa nabanggit na barangay.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

 Ayon kay Engineer Ibo, mahigit kumulang sa 100 pamilya ang magiging benepisyaryo ng nasabing proyketo dahil sa isa rin ito sa pangunahing problema ng mga residente ang kakulangan ng supply ng tubig.

 Aniya, tuwing tag init ay nawawalan sila umano ng tubig kung kayat pahirapan ang kanilang pagkuha ng tubig sa lugar. Tinatayang nasa P1M piso ang inilaan na proyketo sa Kilometro 16 ng Banquerohan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dagdag pa nito, ito na ang ika syam na proyekto ng City Government sa ibat ibang barangay at P20M ang inilaan dito ng lungsod. Sinabi ng opisyal, mahigit na sa 100ng small water system projects ang na-ipatayo na ng City Engineering Office. Target na maging operational ang mga ito ng proyekto sa barangay bago matapos ang taon.