Mga barangay sa Camalig, Albay na may mababang porsyento ng nagpabakuna, ipaprayoridad ayon kay sa alkalde

LEGAZPI CITY – Pinaplano ng Local Government Unit (LGU) Camalig na magsagawa ng Municipal wide Vaccination roll out sa mga Barangay. Ito ang inihayag ni Mayor Caloy Baldo ng Camalig sa ginawang coordination meeting ng Local Task Force for COVID-19 Vaccine Deployment (LTFCVD).

Ayon kay Baldo, ipaprayoridad ngayon ng Local na Pamahalaan na magbakuna sa mga barangay na mababa ang porsyento sa pagbabakuna.

Aniya, kailangan puntahan ng vaccination team ang mga barangay upang mabigyan ng bakuna ang mga residente laban sa covid 19. Dagdag pa nito, magsagawa rin ng aktibidad sa mga barangay ng Information Education Campaign (IEC) upang mabigyan ng kaalaman, kahalagan ng bakuna laban sa naturang sakit  Target ng LGU ang 14 na barangay kabilang rito ang Magogon, Panoypoy, Del Rosario, Comun, Maninila, Quirangay, Sua, Baligang, Tagaytay, Binitayan, Taloto, Taplacon, Palanog, at Manawan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

 Sinabi ng opisyal, maliban sa isinasagawang pagbabakuna sa vaccination site ng Barangay Ilawod ay magkakaroon rin ang nabanggit na mga barangay na scheduling sa pagbabakuna.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Layunin nito ng LGU ay maabot ang mga malalayong barangay at makamit ang herd immunity laban sa COVID-19.Ayon sa pinakahuling tala ng mula sa Municipal Health Office (MHO),

may kabuuang labindalawanglibo siyam na raan at pitumpung (12,970) Camaligueño ang nabakunahan sa bayan o 25.8% ng target na populasyon.