‘Wala pang Ukrainian ang humingi ng asylum sa Pilipinas’ – DOJ

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na wala pang Ukrainian citizen ang humingi ng asylum sa Pilipinas.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra na malugod na tatanggapin ng Pilipinas ang mga Ukraninan na tumatakas mula sa digmaan para sa ‘humanitarian reasons’.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Subalit sa ngayon nilinaw ng kalihim na wala pang mamamayan ng Ukraine ang humiling sa bansa para sila ay kupkupin.

Una nang naglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order na nag-institusyonal sa pag-access sa mga serbisyo ng proteksyon para sa mga refugee, stateless person, at asylum seeker.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Sa ilalim ng EO, ang Refugees and Stateless Persons Protection Unit ng DOJ ay inatasang suriin at iproseso ang mga claim ng mga refugee o stateless status.