7 terorista, 1 sundalo patay sa sagupaan sa Lanao del Sur – AFP

Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa clearing operations na ang ginagawa ng mga sundalo sa lugar kung saan nagkaroon armed encounter sa pagitan ng mga militar at teroristang grupo sa Lanao del Sur.

Ayon kay AFP spokesman Col. Ramon Zagala umakyat na sa pito ang nasawi sa panig ng ISIS-Inspired terror group Dawlah Islamiya at isa naman sa panig ng gobyerno.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Inihayag ni Zagala na nadiskubre ng mga militar na maraming anti-personnel mine na nakatanim malapit sa lungga ng mga terorista.

Sa ngayon sinabi ng AFP Spokesman na nasa humigit-kumulang na 46 na mga matataas na uri ng armas ang narecover mula sa bandidong grupo.

Read More:  Taguig denies 911 delay, DILG probes incident, says Remulla

Samantala inihayag naman ni Maguing, Lanao del Sur Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) head Muhammad Ali Mullok, na nasa 1,395 pamilya ang na-displaced dahil sa bakbakan ng magkabilang panig.