Kinumpirma ng OCTA Research group na classified na ang anim na lugar sa Mindanao bilang low risk sa COVID-19 dahil sa gumandang tala ng mga infections.
Kabilang sa mga ito ang Butuan, Cotabato city, Davao city, General Santos city, Iligan at Zamboanga city.
Sinabi ni OCTA research fellow Dr. Guido David na as of March 2, ang reproduction rate ng nasabing mga lugar ay very low na kung saan naglalaro na ito mula 0.08 hanggang 0.33.

Ang Reproduction rate ay tumutukoy sa bilang ng mga tao na infected kung saan ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nagpapakita na bumabagal ang transmission o hawaan.
Base sa datos, ang healthcare utilization rate sa mga nasabing lugar maliban sa Cotabato city ay “very low”.
Samantala, mababa na rin ang average daily attack rate sa Butuan, General Santos, Iligan at Zamboanga city habang ang ADAR sa Cotabato city ay very low na mayroong 0.32 habang moderate naman sa Davao city na mayroong 2.24.