NAGA CITY- Mali ang vote buying subalit mahina ang enforcement laban rito kung kaya rampant pa rin.
Ito ang laman ng mensahe ni Vice President Leni Robredo sa pagharap nito sa isang press conference sa Naga City kahapon. Ang pahayag ay bilang paglilinaw sa binitawan nitong salita nitong nagdaang araw na kung bibigyan ng pera ay tanggapin dahil galing rin naman sa taumbayan ang pambili ng boto ng ilag politiko subalit hindi aniya ito basehan upang iboto, ang konsiyensiya pa rin aniya ang masusunod. Ang mga nabibigyan ng pera ay dapat hindi magpadala na para pang may utang na loob.
“ Yung sinabi ko kahapon, ‘yung vote buying mali ‘yun. ‘Yung vote buying mali ‘yun pero over the years, very rampant siya dito sa atin. In fact, kahit dito sa atin, very rampant ang vote buying… ‘yung frustrating dito sa lahat kasi hindi maayos ‘yung pag-i-implement ng regulations against vote buying,”
Aniya matagal na siyang lumalaban sa vote buying sa katunayan may mga sinampahan na nga siyang kaso noon subalit na dismiss o nabasura lang naman.
Pagbibigay diin nito, dapat mapagtibay ang enforcement upang mapanagot ang mga dapat na managot. Ang mga nanalo aniya sa vote-buying ay hindi tunay na panalo.