Isinusulong ng Department of Transportation ang proposal na maibalik sa 100% ang passenger capacity sa mga pampublikong transportasyon.
Sinabi ng ahensya na handa na ito na dipensahan ang naturang rekomendasyon sa harap ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ngayong araw.
Naniniwala ang DOTr na makakatulong sa mga drivers at operators na labis na naapektuhan ng pandemya at tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo, ang pagbabalik ng 100% passenger capacity.
Kung maalala ay labis na binawasan ang passenger capacities sa iba’t-ibang pampublikong transportasyon sa kalsada at rail sectors noong simula ng pandemya upang maiwasan ang paglaganap ng virus.
