Volunteer groups na laging katuwang ng Basud PNP at LGU nakatanggap ng kaunting Pamaskong Handog

CAMARINES NORTE- Nakatanggap ng kaunting Pamaskong Handog nitong Miyerkules, Disyembre 28, ang Kabayan Action Group, Anti -Crime Unit at Kabalikat Bicol mula sa Basud PNP, LGU at Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development (MAGPTD).

Ang naturang mga grupo ay nagsisilbing force multiplier ng PNP at katuwang sa mga aktibidad ng Lokal na Pamahalaan.

Binigyan ang mga ito ng food packs na naglalaman ng bigas at mga de lata bilang pasasalamat sa kanilang mga tulong sa PNP at LGU.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon kay Municipal Administrator Arnilo Barrameda, bunga ito ng ginawang pagpupulong ng MAGPTD noong nakaraang linggo kung saan napag usapan ang malaking kontribusyon ng Kabayan at Kabalikat sa anumang mga aktibidad.

Sa naturang pagpupulong ay sinabi ni PMaj Eva Guiruela, Chief of Police na nais nilang magbigay ng kaunting pamasko sa kanilang laging katuwang sa iba’t- ibang mga aktibidad

Dahil dito napagkasunduan na bigyan man lang ng kahit kaunting Pamaskong Handog ang mga ito upang maipadama ang diwa ng pasko.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nagpaabot din ng pasasalamat si PLT Reymund Galero, Deputy Chief of Police sa lahat ng tulong ng mga nabanggit na grupo.

Sana raw ay hindi magsawa at maging katuwang pa nila ang mga ito sa mga susunod pang taon.

Ang aktibidad ay bahagi rin ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan KASIMBAYANAN  program ng PNP.