Naitala ng Department of Health (DOH) Bicol ang pangalawang kaso ng fireworks-related injuries sa lalawigan ng Albay, kung saan nairehistro ito sa lunsod ng Legazpi sa pinakaunang pagkakataon ngayong taon.
Sa datos ng ahensya, sa mismong araw na naputukan ang biktima ay agad itong kumonsulta sa doktor para sa medical na atensyon.
Nagtamo ng sugat ang kanyang kanang kamay at napag-alaman na isang five star ang ginamit na paputok na nabanggit na biktima.
Matatandaang unang nagkaroon ng kaso ng FWRI sa bayan ng Daraga nito lamang Lunes.
Binigyang-diin ng ahensya na delikado pa rin ang paggamit ng naturang boga dahil maaari itong maging sanhi ng pagkaputol ng ilang bahagi ng katawan.
Hinikayat pa rin ng DOH ang publiko na kung maaari’y iwasan na lamang ang paggamit ng paputok upang maging ligtas ang pagsalubong sa bagong taon.