Villafuerte at mga Fuentebella na kilalang Political clan sa Camarines Sur tagumpay muli sa pulitika

NAGA CITY- Pinalad muli o tagumpay muli sa mundo ng pulitika ang kilalang political clan na Villafuerte at Fuentebella sa Camarines Sur.

Gobernador ang unang beses na tumakbo na si Luigi Villafuerte, naihalal muli bilang Congressman  sa ikalawang distrito ang amang dating Gobernador na si Rep. LRay at ang anak pang si Gov. Migz ay ang bagong Kongresista sa 5th  District o Rinconada Area.

Kabilang sa mga nakatunggali ng batang Villafuerte sa pagkagobernador si dating Congressman , Former Department of Budget and Management Sec. Rolando “Nonoy” Andaya at Juke box Queen, Vice Governor Imelda Papin.  Nakalaban naman ng incumbent Governor na si Migz sa Riconada si Iriga City Mayor Madel Alfelor na apo ni dating Gobernador Felix Alfelor.  Si  Luigi at Migz ay apo ng dati ring Gobernador na si Luis Villafuerte.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa proclamation sa mga Villafuerte, nagpasalamat sila sa tiwala sa kanilang serbisyo sa lalawigan.

Samantala, muling nagwagi si Arnie Fuentebella, bilang Congressman ng ika-apat na distrito ng Camarines Sur o Partido Area , gayundin ang kapatid nitong si  Chiqui na alkalde ng Tigaon at  Jovi Fuentebella naman Alkalde sa Sagñay, sila ay mga kapatid ni Felix William “Wimpy” Fuentebella, Undersecretary ng Department of Energy (DOE) na mga anak ni Arnulfo Fuentebella , dating House Speaker , lolo nina Arnie , Chiqui at Jovi ang dati ring Gobernador na si Felix Fuentebella.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Para kay Mayor Jovi, ang mga politiko at pangalan ay daraan lamang ang importante aniya ang mga plataporma at ipinaglalaban.