NCPO nakaantabay sa mga kilos protesta sa Naga; pulisya naghihintay pa ng post-election plan

NAGA CITY- Nakaantabay ang Naga City Police Office sa mga kilos protesta sa Naga City tulad na lamang nang nangyari nitong nagdaang araw sa Plaza Rizal kung saan kinukuwesyon ang naging sistema at resulta ng halalan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PSMS Toby Bongon , tagapagsalita ng NCPO sinabi nitong inirerespeto ng PNP ang anumang porma ng protesta basta’t walang karahasan. May mga intelligence personnel aniya ang PNP na nagmamasid, tahimik ang mga pagkilos sa Naga.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Inaasahan pa nila ang ganitong mga aksyon dahil mayroong mga reklamo laban sa Commission on Elections o COMELEC.

Samantala sa ngayon naghihintay pa ng post-election plan ang NCPO mula kay Officer-in-Charge Police Lieutenant General Vicente D Danao Jr. Wala pa man ito, alerto pa rin ang PNP dahil hindi pa natatapos ang election period sa katunayan mayroon pang mga checkpoints at wala itong koneksyon sa prayer vigil sa Plaza Quince Martires maghahating  gabi nitong Mayo 9, kilos protesta sa Plaza Rizal nitong Mayo 10 at pagtitipon sa Naga Cathedral matapos ang misa ng pagkakaisa.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan