LEGAZPI CITY- Hindi mapigilan ang mga suportador ni Mayor-Elect Cenon Volante sa pagsuporta at pagsaksi sa pagproklama ng COMELEC sa bagong halal na alkalde.
Dinagsa ang bahay ni Mayor Cenon Volante ng mga suportador galing sa mga barangay at karamihan dito ay galing pa sa 3 barangay sa isla.
Ayon sa mga dumalong galing sa mga barangay sa isla ay nakakita sila ng pag-asa kay Mayor Cenon makakarating ang mga ayuda galing sa gobyerno kahit sa liblib na mga sitio ng kanilang barangay.
Pantay para salahat na pagtingin sa mga pangangailangan ng taumbayan ang kanilang inaasahang maibibigay ng kanilang sinuportahan at iniluklok na bagong alkalde.
Ikinabigla at ikinatuwa naman ni Mayor Cenon ang pagdagsa ng kanyang mga suportador at sinuklian ng pasasalamat at sinigurong nasa tamang landas ang bayan ng Malilipot sa kanyang pamumuno.