Umaasa sina Vice Ganda at Ion Perez na makakapagsagawa ng symbolic gathering kasama ang pamilya at mga kaibigan sa Pilipinas, para ipagdiwang ang kanilang pagmamahalan, kasunod ng commitment ceremony sa Las Vegas, na tinutukoy nila bilang kanilang kasal.
Ang celebrity couple ay nagpalitan ng vows noong October 2021, pero noon lang February 13 inanunsyo ni Vice sa pamamagitan ng kanyang vlog.
Aminado naman ang TV host na nung nagpropose umano sa kanya ang nobyo noong February 21, 2020, ay hindi nila alam kung paano gagawin, kailan at kung matutupad ang kanilang pag-iisang dibdib.

Mababatid na sa Pilipinas, walang umiiral na batas na kumikilala sa same-sex marriage o union.
Kaya noong nagsagawa si Vice Ganda ng concert sa Las Vegas noong Oktubre nang nakaraang taon, naging pagkakataon ito sa dalawa para tuparin ang kanilang pangarap na maikasal.