Natanggap na ng Pilipinas ang third batch ng 780,000 doses ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccine, para sa mga batang may edad lima hanggang 11-taong gulang.
Ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, ang naturang vaccine doses ay binili, sa pamamagitan ng loan mula sa World Bank.
Matatandaan na ang first at second tranches ng reformulated vaccine doses ay ideneliver sa bansa noong February 4 at 10.
Sinabi naman ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na inaasahan ng gobyero ang lima hanggang anim na milyong reformulated Pfizer vaccines para sa buong buwan ng Pebrero.

Samantala, mula February 14, nasa 148,000 minors na may edad lima hanggang 11 taong gulang ang nakatanggap na ng COVID-19 vaccine, kung saan walo lang sa mga ito ang nakaranas ng non-serious reactions matapos ang immunization. //MHEL PACIA-TRINIDAD