Vaccinations sa mga pharmacies, pinalawig pa hanggang sa Baguio City

Palalawigin pa ng gobyerno ang inilunsad nilang vaccination program na magtuturok ng COVID-19 booster shots sa mga pharmacies, sa Baguio City simula ngayong araw.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, naglunsad ang gobyerno ng programa sa ilang pharmacies noong Enero 20 sa layuning mapabilis ang pagbabakuna sa bansa.

Read More:  Palace clarifies Marcos administration’s super El Niño response goes beyond buckets

Mababatid na pitong pharmacies sa Metro Manila, ang bahagi sa pilot program.

Dagdag ni Nograles, mula Jan. 24, nasa 2,626 booster doses ang kabuoang naibibigay. //MHEL PACIA-TRINIDAD