DOH, nagtala ng mahigit 17K new COVID-19 cases

Bumaba ang daily COVID-19 cases ng Department of Health sa 17,677, dahilan para sumipa pa ang nationwide total count sa 3,459,646.

Pero paglilinaw ng DOH, anim na mga laboratoryo ang hindi nakasumite ng kanilang datos.

Mula naman sa kabuoang bilang ng infections, 7.2% o 247,451 ang active cases, kung saan 235,181 ang may mild symptoms; 7,464 ang walang sintomas, 2,996 ang nasa moderate condition; 1,502 ang may severe symptoms; at 308 ang nasa critical condition.

Samantala, tumaas naman ang death toll sa 53,598 o 1.55% ng lahat ng kaso, matapos na 79 pa ang mga nasawing pasyente, habang 33,144 ang mga bagong gumaling, dahilan para tumaas ang recovery count sa 3,158,597 o 91.3% ng COVID-19 tally. //MHEL PACIA-TRINIDAD