PH, bumaba na sa ‘high risk’ classification para sa COVID-19

Bumaba na ang risk classifications ng Pilipinas at ng National Capital Region para sa COVID-19, mula sa “critical risk” sa “high risk.

Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque, ang two-week growth rate, o ang growth ng mnga kaso sa loob ng 14 na araw, ay bumaba mula sa 3,661% sa 176% sa buong bansa.

Sa NCR, bumaba ito sa 65% nalang mula sa 7,226%, pero ang average daily attack rate, ay nananatili paring mataas sa 84.56%.

Samantala, ang ibang mga rehiyon na tinukoy rin bilang high risk ay ang MIMAROPA, SOCCSKSARGEN, at BARMM.

Bukas, nakatakdang magpulong ang Inter-Agency Task Force, para talakayin ang posibleng deescalation ng alert level status sa capital region. //MHEL PACIA-TRINIDAD