Dagsa pa rin kahapon sa Basud Sports Complex ang mga nagpapabakuna para sa first at second dose ng Pfizer, Moderna at Sinovac.
Bagamat hindi kasingdami noong Huwebes ay marami pa rin ang nagtungo sa vaccination site para magpabakuna.
Halo- halo na rin ang nagpapabakuna mula sa edad na 18 anyos hanggang sa mga nakatatanda.
Hindi pa naglalabas sa ngayon ng bagong datos ang LGU hinggil sa bilang ng mga nabakunahan.
Pero batay sa Vaccine Statistics na inilabas ng LGU noong October 24, nasa 10, 906 na ang nabakunahan sa naturang bayan.
Nasa 5, 215 naman dito ay fully vaccinated na.
Sa datos naman ng Department of Health nasa 245, 781 na ang natanggap na doses ng Camarines Norte as of October 26.
Sa bilang na ito 76 % ang nakatanggap ng first dose habang 41 % naman ang nakatanggap na ng second dose.

