Ikinokonsidera ngayon ng US ang pagpataw ng COVID-19 restrictions sa mga manlalakbay mula sa China matapos ang kapansin-pansing pagluluwag ng Beijing.
Nag-udyok sa mga opisyal ng US na magpahayag ng pagkabahala matapos na ibasura ng China ang mandatory COVID-19 quarantine nito sa overseas arrivals simula sa January 8, na nag-udyok sa marami sa China na magmadali upang magplano ng mga biyahe sa ibang bansa.
Ayon sa Beijing “imposible” nang ma track ang outbreak ng COVID-19 sa bansa.

Ang kakulangan ng genomic data ang isa sa pangunahing concern ng US na magpapahirap umano sa mga public health officials na matiyak na walang bagong variants ng COVID-19 ang kakalat.
Ayon sa Estados Unidos , sinusunod pa rin nila ang science at payo ng mga public health officials at isinasaalang-alang ang paggawa ng mga katulad na hakbang sa mga bansa tulad ng Japan at Malaysia.//CA