Nakaramdam ng sigla si Nadine Lustre at nangako na gagawa ng mas maraming pelikula kasunod ng kanyang pagkapanalo bilang Best Actress sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Deleter.”
Hinidi pa rin makapaniwala ang actress na makakasama sa MMFF ang kanyang pelikula.

Sapat na raw kay Lustre na marami ang gustong manood ng kanilang pelikula, kaya naman nakikita nilang malaking bonus ang lahat ng mga parangal na iginawad rito.
Bukod sa Best Actress award na ibinigay kay Lustre, kasama rin sa 7-trophy haul ng “Deleter” ang Best Picture, Best Director para kay Mikhail Red, Best Cinematography para kay Ian Guevarra, Best Sound, Best Visual Effects, at Best Editing.//CA