US Coast Guard nagkasa ng rescue ops sa sa paglubog ng bangka sa Florida

Patuloy ang search and rescue operation ng US Coast Guard sa 39 na taong nawawala matapos na lumubog ang kanilang bangkang sinasakyan sa coast ng Florida.

Pinaghihinalaang kaso ito ng human smuggling venture. Ayon sa Coast Guard sa Miami, nakatanggap sila ng report sa isang tao na mayroon siyang na-rescue na isang lalaki na mula sa lumubog na bangka sa tinatayang 45miles east ng Fort Pierce Inlet.

Sa salaysay ng survivor, umalis ang kanilang bangka sa Bimini sa Bahamas pero nakasagupa nito ang masamang panahon na dahilan ng paglubog ng bangka.

Aminado ang survivor na wala kahit sinuman sa mga pasahero ng bangka ang mayroong lifejacket.