Bilis ng pagdami ng bagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Daet naramdaman sa loob lamang ng tatlong linggo

CAMARINES NORTE- Naramdaman ang bilis ng pagdami ng naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Daet sa loob lamang ng tatlong linggo nitong buwan ng Enero

Sa pinakahuling report ng Daet IMT sa pamamagitan ng datus mula sa Daet emergency Operations Center , mula sa 0% ADAR na naitala nitong January 3, 2022 ay umakyat ito sa 11.68 % average daily attack rate (ADAR) sa latest datus na may petsang January 25, 2022

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ang bayan ng Daet ay sinalubong ang bagong taon sa Zero active case status ngunit pagkalipas lamang ng tatlong linggo ay nakapagtala na ito ng 272 na aktibong kaso ng COVID-19

150 dito ay nagpositibo sa RT-PCR Test habang 122 ang nagpositibo sa Rapid antigen test

Dahilan upang pumalo na sa 1, 294 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID019 sa bayan ng Daet mula noong March 2020

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Maliban dito ay mayroon pang 554 na indibidwal ang under monitoring ngayon ng EOC

Habang nakarekober na ang 1,081 na pasyente at 63 na ang  nasasawi sa COVID-19 na pawang mga kumpirmadong kaso matapos ang mga ito ay nagpositibo sa RT PCR at Mayroon namang 34 na nasawi na COVID Pneumonia Suspect/Probable