Tinatayang 2 milyong bata sa Pilipinas ang dumaranas ng severe food poverty na naglalagay sa kanila sa panganib ng malnutrisyon ayon sa United Nations Children’s Fund (UNICEF).
Sa report na pinamagatang “Child Food Poverty: Nutrition deprivation in early childhood,” sinabi ng UNICEF na 18% ng mga batang Pilipino na wala pang limang taong gulang, o katumbas ng dalawang milyon, ay itinuturing na food poor dahil kumakain sila ng dalawa o mas kaunti sa walong pangunahing grupo ng pagkain sa isang araw.
Kabilang sa eight food groups ang breastmilk, grains at roots, pulses at nuts, dairy products, karne, manok at isda, itlog, mga prutas at gulay na mayaman sa Vitamin A, at iba pang prutas at gulay.
Ayon sa UNICEF, sa buong mundo ay mayroong 440 milyong bata na wala pang limang taong gulang ang nabubuhay sa food porverty.
Ang Pilipinas ay isa sa 20 bansa na bumubuo sa 65% ng mga batang nabubuhay sa matinding kahirapan sa pagkain sa buong mundo.