Senadora – tiniyak na pananagutin ang sinumang nakipagsabwatan sa di umano’y pagpapatakas sa mga sindikatong Chinese sa ni-raid na POGO hub sa Pampanga

‘Wherever there is POGO, there is crime’

‘yan ang paniniwala ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros matapos ang panibago na namang na-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Bago pa ito ay may una na ring na-raid na POGO hub sa Bamban Tarlac na pugad umano ng love scam at cryptocurrency scam.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Samantala, ilan naman sa mga paulit-ulit at karumal-dumal umano na krimen na nakita sa POGO hub sa Pampanga ang scamming, torture at human trafficking.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Anya, nakakalungkot man na nagkaroon ng pagtakas ang ilang Chinese sa lugar ay sisiguraduhin nilang pananagutin nila ang nakipagsabwatan dito at nag-leak ng impormasyon sa gagawing operasyon.

Dagdag pa niya, titiyakin nilang makuha ang hustiya rito para sa lahat ng mga victim-survivors na nakaranas ng pang-aabuso at pansasamantala.