LRT -1 Cavite Extension Project, inaaasahang bubuksan sa publiko bago matapos ang 2024

Inaasahang mabubuksan sa publiko ang LRT -1 Cavite Extension Project bago matapos ang 2024.

Nasa 98.2% nang completed ang proyekto hanggang nitong buwan ng Abril.

Sa pagsisimula ng operasyon target ang nasa 40 hanggang 50 thousand na mga pasahero.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Pagkatapos ng 1 taon operasyon ,aabot sa 100 libong mga pasahero ang inaasahang mabebenepisyuhan ng proyekto.

Ngayong araw, pinangunahan ni DOTr Sec. Jaime Bautista ang inspeksyon ng proyekto kasama si Department of Finance Sec. Ralph Recto, MMDA Chairman Romando Artes at iba pang opisyal.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Layong pag kunektahin ng LRT 1 Cavite Extension Project ang Baclaran sa Parañaque at Bacoor sa Cavite

Higit 11 km ang extension project na ito na magdaraggdag ng 5 istasyon ng linya ng tren mula Redemptorist, MIA, Asia World, Ninoy Aquino at Dr. A. Santos Station.