Unemployment rate sa Pilipinas bumaba noong November 2023-ayon sa PSA

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong November 2023 dahil sa mga negosyo trabaho patok tuwing holiday season.

Ayon kay Philippine Statistic Authority USEC. Claire Dennis Mapa, isa ang transportasyon sa nakalikha ng maraming trabaho noong Nobyembre.

Umakyat ang employment rate sa bagong record high na 96.4% o 49.64 milyon ang may trabaho noong Nobyembre sa Pilipinas.

Read More:  Bong Go urges youth to spend more time in sports, less on social media

Habang ang unemployment rate ay bumaba sa 3.6% o katumbas ng 1.83 milyon.

Sinabi ng isang eksperto marami ring nagkaroon ng trabaho sa sektor ng agrikultura dahil na rin sa suporta ng gobyerno sa mga magsasaka para matugunan ang supply ng mga pagkain.

Read More:  COMELEC forms anti-vote buying task forces for BARMM Elections

Pero dahil seasonal ang trabaho na natili pa rin sa 11.7% ang under employment rate.

Ibigsabihin, marami pa ring Pilipino ang naghahanap ng dagdag na trabaho o pagkakakitaan.

Umaasa naman ang labor department na mas madadagdagan pa ang mga dekalidad na trabaho sa tulong ng mga foreign investment sa bansa.