Pinirmahan ng ilang residente sa Quezon City ang inakalang ayuda ng lokal na pamahalaan ‘yun pala ay isa umanong petisyon para sa pagsusulong ng Charter Change gamit ang peoples initiative.
Kwento ng ilang residente, naniwala sila na ayuda iyon dahil ang nagpapapirma ay tauhan ng City Hall.
Ayon sa isang tauhan ng City Hall may nakalagay umano sa papel na kung sumasang-ayon ang mga residente na pwedeng mag-invest sa Pilipinas ang mga dayuhan.
Sinabi pa niya na utos iyon sakanila ng Barangay Community Department ng City Hall.
Giit ni Mayor Joy Belmonte, na hindi sa kanya ipinaalam ang pagkalap ng pirma sa Quezon City.
Kwento pa ng Alkalde nilapitan siya ng mga punong barangay at binaggit na may mga nagpapapirma sa kanila.
Nilinaw naman ni Belmonte, na walang kinalaman ang local government sa mga initiative ng mga nagpapapirma.
Mababatid na isiniwalat ni Rep. Edcel Lagman, na may nakarating sa kanyang mga bayaran sa Bicol na kapalit ng mga pirma ng mga botante na gagamitin sa pag-amyenda ng constitution.
Ito ay para umano paburan ng mga tao ang pagboto ng Senado at Kamara para sa Chater Change.
