Imbestigasyon ng Senado sa brownout sa Panay Island magsisimula na ngayong araw

Aarangkada na ang imbestigasyon ng Senado sa apat na araw na blackout sa Panay.

Sinabi ni Sen. Win Gatchalian na dapat tingnan kung ginawa ba ang National Grid Corporation of the Philippines para maiwasan ang problema.

Read More:  VP Sara Duterte’s reported request to meet Marcos called ‘fake news’

Una ng giniit ng NGCP na planta ang nagkaproblema at hindi sila.

Paliwanag pa ng NGCP na hindi nila pwedeng gawin ang manual load dropping dahil stable naman ang sistema kahit bumagsak na ang unang planta.

Read More:  House lead prosecutor says Lachica may no longer need to testify

Ayon Energy Regulatory Commission pwedeng pagmultahin ang NGCP kung mapapatunayang nagkaroon ng mga paglabag.

Nakatakda namang ilabas ng energy regulatory commission sa Marso ang resulta ng audit sa mga gastos at sinisinggil na rate ng NGCP sa mga consumer.