Unang araw ng implementasyon ng pagdiretsyo ng Eastbound PUV sa Almeda, naging pahirapan para sa mga commuters

NAGA CITY – Inis at pagkadismaya! Yan ang naramdam ng mga commuters kahapon na papasok sa kanilang trabaho at eskwela sa lungsod ng Naga, matapos ang unang araw ng implementasyon sa pagbabawal dumaan ng mga east bound public utility  vehicles o mga galing at papunta  Pili, Partido, Rinconada Area at Albay sa Concepcion Grande, Concepcion  Pequeña road at Rotonda. 

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ang mga PUV tulad ng jeep, van at bus ay direstso na sa Almeda Highway.  Ayon sa mga mananakay abala at pahirapan ang kanilang pagsakay dahil sa nasabing patakaran, anila kung dati ay sapat lang ang oras ng kanilang biyahe ngayon kailangan nang mag laan ng mas mahabang oras upang hindi mahuli sa pupuntahan, mas maigi yung deretsong biyahe dahil aksaya sa oras at hindi na magdaragdag pa ng budget sa pamasahe.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Layon ng hakbang upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko partikular sa rotonda tuwing rush hours.

Sinabi naman ng PSO na nakabantay ang kanilang mga tauhan sa pagbibigay giya sa mga motorista sa kalsada.