A-attend ka ba sa isang kasal kung malalaman mong may entrance fee ito?
Kahit pa na kapamilya, kaibigan o kakilala mo ang ikakasal?
Pinutakte ng batikos at komento kamakailan ang isang post sa reddit na kung saan isiniwalat ng isa sa mga pumunta sa isang kasal ang umano’y presyuhan na dine-demand ng mismong Nobyo at Nobya?
Makikita kasi sa isang invitation sa kasal ang “price list” simula sa entrance pagpasok sa reception, amount na dapat sa regalo, pagkain pati ang bayad sa sleep over ay kailangang bayaran ng mga dadalo?
Kung susumahin kasi aabutin nang mahigit tatlong libo ang magagastos ng bawat pupunta.
Isa sa naging komento ng isang netizen sinabi nitong tila ginawang fund-rasing event ang mismong kasal ng dalawa at mas gugustuhin na lamang aniya na hindi na pumunta kung ganito rin kalaki ang magagastos nila. ### KENNETH BERMIL