UN umapelang payagan ang ligtas na pag-evacuate ng mga Ukrainian saan man gustuhing lugar

Umapela si UN Head of Humanitarian Affairs Martin Griffiths na mapayagan ang ligtas na pag-evacuate ng mga Ukrainian civilians saan man gustuhing pumunta ng mga ito.

Maliban dito, iginiit din ni Grifitths sa emergency meeting sa UN Security Council na krusyal ang ligtas na pagpasok ng tulong at medical supplies sa lugar na apektado ng matinding kaguluhan.

Binigyang diin ni Griffiths na dapat maigalang at maprotektahan ang mga sibilyan kahit gustuhing manatili o lumikas ng mga ito.

Giit ni Griffiths sa lahat ng partido na dapat mapanatili ang sistema ng constant communication para masiguro ang ligtas na pag-alis ng mga sibilyan.

Kinumpirma din ni Griffiths na nagpadala siya ng team sa Moscow para tumulong para sa mas maayos na humanitarian coordination.