Vaccination rate para sa mga teaching at non-teaching personnel ng Deped-Bicol, umabot na sa 93%

BICOL – INANUNSYO ngayon ng Department of Education o DepEd-Bicol na umaabot na sa 93% ang vaccination rate sa kanilang mga teaching at non-teaching personnel kasabay ng pag arangkada ng limited face-to-face classes sa ilang mga piling pampubliko at pampribadong eskwelahan sa rehiyon .

Ayon mismo kay Deped-Bicol Regional Director Gilbert Sadsad, 69,706 o 93% ng 73,304 eligible DepEd employees ang nakatanggap na ng bakuna kontra covid-19.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Mula sa bilang na ito, 66,296 ang fully vaccinated na; 3,410 ang nakatakda nang tumanggap ng kanilang second dose habang 3,874 pa ang naghihintay ng vaccination schedules.

Base rin sa interim guidelines sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes kung saan tanging mga bakunadong guro lamang ang maaaring makiisa sa expanded phase.

Patuloy umano nilang isusulong ang pagkamit sa 100% vaccination coverage para sa mga kwalipikadong kawani ng Deped sa rehiyon para na matiyak ang kaligtasan ng mga guro at learners.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Kaugnay nito ay inihayag ng opisyal na kanila rin umannog suportado ang pagbabakuna sa mga kabataang edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Samantala, patuloy itong nanawagan ng kooperasyon sa mga Bicolano upang maprotektahan ang kapakanan ng bawat isa at nanawagan sa mga hindi pa bakunadong indibidwal na samantalahin ang nagpapatuloy vaccine roll out sa kanilang mga lokalidad.