Umano’y mataas na dating PNP official – pasok sa POGO payroll

Umano’y mataas na dating PNP official – pasok sa POGO payroll

Ibinunyag ni Retired Gen. Raul Villanueva, Senior Vice President ng PAGCOR Security and Monitoring Cluster sa pagdinig ng Senado kay Alice Guo na may isang dating pinuno ng Philippine National POlice (PNP) at mga opisyal ng Bureau of Immigration ang nakatanggap umano ng P200M na suhol mula kay Alice Guo.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon kay Villanueva, ang impormasyong ito ay hindi pa confirmed, at bina-validate at pinag-uusapan pa.

Nang tanungin ito ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality Chairperson Senadora Risa Hontiveros kung sinong personalidad ang posibleng sinuhulan ni Guo, tinukoy ni Villanueva ang isang dating hepe ng PNP.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Hindi niya ito diretsahang pinangalanan, pero isa raw itong dating chief sa PNP.

Usap-usapan din umano ang monthly payroll ng sinasabing chief PNP.